Senator Gordon's Outbursts

I received a lot of text messages the past two days re RJG being hit on morning radio and the negative feedback on his "outbursts". Below is a blog entry worth sharing: by: Louie


http://www.pinoybiz.blogspot.com/


Saturday, September 29, 2007
Senator Gordon's Outbursts

I was listening to DZMM early in the morning on Thursday when I heard the anchors criticizing Senator Richard 'Dick' Gordon for blasting Comelec Commissioner Benjamin Abalos and Senator Alan Peter Cayetano during the ZTE NBN hearing the previous night and in a GOCC hearing that morning, COA Chairman Guillermo Carague.

One of the anchors, I think it was Korina Sanchez, read a text message that was purportedly sent in by listener and the message branded Dick Gordon as 'bastos' or something to that effect.

Really?

I don't recall if the text message sent in by that listener referred to any particular part of the hearings on ZTE or the GOCC hearings. Korina didn't clarify it either -- maybe she was clueless again (as usual) -- and just went on yapping about the text message without giving her listeners any context.

I watched part of the ZTE hearings where Gordon really speared Abalos and I think the old skunk Abalos got so much less than what he deserved.

One of my friends said 'Grabe naman iyong pag-gisa ni Gordon kay Abalos, sobra at nakakaawa naman iyong mama.'

I told my friend that his sympathies were completely misplaced and I told my friend off, 'Tayo ang nakakaawa pare, ang mga kababayan natin ang kawawa.'

Have we all forgotten all of Abalos' sins? Iyong mga machines na binili for the automation of the ARMM elections, ilang daang milyong piso na pera ng bayan ang sinayang doon matapos ang kumisyunan nila? Iyong hindi pagpatupad ni Abalos sa Automated Elections na dapat sana ginawa nuong 2007 elections at paglitaw nitong si Lintang Bedol... Anu yun, hello garci na naman?

Anak ng Tokwa naman, bakit ka naman maaawa kay Abalos? Hello?!!!

Gordon's act of rebuking Alan Peter Cayetano for being ignorant of the rules for Senate Hearings was justly deserved, in my view. The brother in the brother-sister Senate tag team had previously thrown out even the faintest notions concerning the rules of evidence in the lower house hearings on the First Gentleman's hidden wealth last year. Then, here, we have him chairing the Blue Ribbon Committee pero hindi niya alam ang rules ng hearing.

Ewan ko, hindi ako abogado pero inis ako sa taong nagdudunong dunongan -- maraming ganyan, lalo na sa AM radio.

Iyong kay Guillermo Carague naman, natanong lang kung bakit hindi siya nagpapadala ng COA auditors sa ARMM eh nagwala na. Sa tutoo lang, problematic talaga ang pag-audit sa ARMM and according to Carague -- when he was much calmer -- eh limang tao na yata ng COA ang namatay just trying to perform their duties. Then again, it doesn't justify Carague's outburst -- it was Carague who stood up at dinuro si Senator Gordon. It doesn't justify him calling Gordon a dictator because Gordon didn't write the laws governing COA and the law mandates the COA to conduct audits in all parts of the land -- sinisingil lang ni Gordon si Guillermo which is just right.

Ang problema kasi diyan sa ARMM eh ganito... Gusto ng gobyerno nating ipagpatuloy ang pagpapadala ng pondo para sa kung ano anong mga proyekto, naturalmente kapag nagbigay ng pondo ang pamahalaan eh kelangan maipakita kung saan napunta ang pera. Kung hindi maipapakita kung saan napunta iyong pera eh titigil ang gobyerno sa pagpapadala ng pondo. Malamang iyon ang nangyayari sa ARMM at iyon ang gustong bigyang solusyon ni Senator Gordon... Ang nakakainis diyan eh malamang payag naman ang mga taga ARMM na magpa-audit sa COA pero ang COA naman ang ayaw pumunta sa kanila -- gaya nang ayaw pagpunta ng mga taga-PRC sa Sulu para bigyan ng exam ang mga teacher doon na matagal nang nagtuturo nang walang sweldo. Bakit ayaw? Kasi sarado at nakakandado ang mga utak ng karamihan sa atin pagdating sa ARMM, lagi na lang nating iniisip na delikado ang ARMM... war zone ang ARMM... Hindi niyo ba naisip na malamang kaya nagkaka-ganyan ang ARMM eh dahil na rin sa maling pag-iisip na iyan?

Ewan ko mga kapatid hah, pero, may punto ang pagka-galit ni Gordon at kung nagagalit man iyong mama, hindi naman iyan dahil wala lang... Siguro panahon na para tanggappin natin na pagdating sa 'right and wrong', marami sa atin ang baluktot ang pag-iisip.

Hah! Offended kayo sa paglalapirot ni Gordon kay Abalos na parang kulangot? Offended kayo sa mainit na pagpansin ni Gordon sa pagkawalang alam ni Cayetano sa rules ng isang Senate Hearing? Offended kayo kay Gordon kasi tinanong niya ang COA kung bakit ayaw nitong mag-audit sa ARMM?

Ang problema kasi sa Pinoy eh ganito, siya na nga ang nilalapastangan eh siya pa ang makikiusap at mamamanakluhod... Panahon pa ng kastila ganyan na ang karamihan ng mga Pinoy at nakakainis lang isipin, iyong mga duwag ang nakikinabang sa pagbubuwis ng buhay ng mga matatapang sa lahi natin... Anak ng...

Sana nga maging Presidente si Gordon kasi nakakatiyak tayo na mabubugahan ng apoy talaga iyong mga mokong sa gobyerno. Iyon lang.

Comments

Popular posts from this blog

LETTER TO THE EDITOR

SJS Olongapo Greetings