Nice talk about Gapo on Blogs
Go, Gapo!
Ang ganda-ganda ko noong Sabado, feeling mission accomplished kasi nakapambola ako ng tao na magpapa-interview sa akin, kahit posibleng awayin sila ng mga bosing nila. On the record pa. Ang galing ko talaga. Huwaw.
Tapos paglapit ko sa kotse, parang may kumakaway sa akin na kulay blue na papel, nakaipit sa wiper. Hmmm. Baka lote o condo na ibinibenta.
Itatapon ko na sana pero nakita kong wala namang humihiyaw na SALE! o kaya ay SPECIAL OFFER! o kaya ay DISCOUNT! Wala ring drowing.
Pero may boxes, at dalawa ang naka-check. Syet. Shayt. Shoot.
May nakasulat na plate number ni Jiminy da Cricket.
May notice na "report to the mayor's office." Syet. Shayt. Shoot.
Luminga-linga ako. Wala namang tao. Walang pulis.
Nagmaneho ako at naghanap ng trapik pulis. Ano ba ibig sabihin ng "parked the wrong way" at "unattended?" Asus.
Nakakita ako ng naka-unipormeng trapik pulis. Ibig sabihin daw, tumawid ako ng lane para mag-park, at iniwan ko ang kotse ko sa yellow curb. Dapat daw sa puting curb lang ako mag-park.
Malay ko bang batas trapiko sa bayan ni Barack Obama ang siste sa labas ng Subic base, di ba?
Pero tanggap ko naman na ignorance of the law excuses no one, kahit pa ako na ignorante talaga 24/7.
Wala raw opisina dahil Sabado. Sa Lunes na lang daw ako magpunta sa munisipyo para magbayad ng multa.
Alam niyo ba kung magkano ang pinakamurang hotel sa loob ng Subic noong Sabado? Noong nag-ikot-ikot ako para maghanap ng mura, P4,000 lang naman ang pinakamababang presyo.
Kaya ang bagsak ko na naman ay sa motel. Motel na P1,000 per day. Siyempre pa, nag-curdle na naman ang aking dugong Ilokano sa gastos, di ba? Pera naman ng opisina ang gamit ko, pero maski pa, dapat tipid.
Bahala na si Batman. Bumalik ako ng Manila.
Kanina ay sinuyod ko na ang website ng Olongapo City para malaman kung sino ang puwede kong kausapin.
May cellphone number. Text the mayor daw. Siya, text ako.
Meron ding contact us. Eh di contact us ang ginawa ko. Nag-email ako sa form na contact us daw.
Magalang kong sinabi na pasensiya na po, hindi po ako nakabayad po ng multa po. Pero handa po akong magbayad po sa aking katangahan po, beterana na po ako noon po.
Tiniyak ko rin sa kanila na ang paglabag ko sa batas ay di bunga ng intension o malisya, kundi ng likas na katangahan ng inyong lingkod. Sa totoo lang, kahit mahal pa ang multa, kung may sistemang tulad ng sa kanila, suportahan taka.
Maya-maya lang, may tumatawag na galing sa opis ni meyor. Si Vilma. Nakita na niya ang tiket ko, at ipinaliwanag niya ang sistema nila.
Ipadala ko na lang daw ang pera, kasama ang tiket.
Ang multa ko? P100.
Pero ang malamang may sistemang gumagana sa gobyerno?
Priceless!
Go, Gapo!
(Sabi ng editor ko, parang nakikini-kinita raw niyang humahagikhik pa rin hanggang ngayon si Jiminy da Cricket. Kasi kung saan-saan ko raw dinadala ang kotse ko. Sa totoo lang, kahit ako navi-visualize ko iyon.)

10 COMMENTS:
Ang sarap kapag may sistema ano.
nangyari na rin sa akin yan noon. nung si flash pa ang hari ng SBMA (bago siya maging blue-ribbon king). hindi ako pinagmulta. sinabihan lang na "sa uulitin sir, pag sabi yield, eh dapat po magbigay."
I hope they keep up the good work. dapat ikalat ang post na ito. hehehe (hindi ang 'honest' mistake mo).
hahaha... ang kulit ng dating.
nangyari din sa amin yan kaya sa mga dadaan sa SCTEX ingat dahil majority ay 60-80kph ang dapat na takbo.
beatburn, honest mistake, promise. i sometimes drive without my brain. hehe.
it's nice to see a system that works. haaay.
dong, makulit talaga ako.
hanga nga ako sa patakaran sa gapo lalo na sa loob ng subic bay, maayos na pinapatupad ang batas trapiko. minsan kaming nahuli roon, anak ng isa sa namumuno ang kasama ko, di ginamit ang impluwensya, pag mali ka, mali ka... :)
sana sa maynila ganun din... wish ko lang! haha
dhes, oo nga. imagine mo iyong masi-save na gasolina dahil maayos ang trapiko.
dito nga sa area ko, sa harap ng police station ang daming traffic violation, walang napapansin ang pulis. ang sisipag!
gawin na lang nating sbma ang pinas. pwede kaya yun?
Mayamang bansa na ang Pinas ngayon kung ang sistema tulad sa Gapo ang paiiralin. Malayo talaga ang nararating ng lipunan kapag ang liderato ay may kredibilidad. Gapo is Exhibit A.
scud, we can do it if law enforcement works, and if citizens realize they are stakeowners in a program. we still need to see our leaders do that.
in palawan and some other cities, locals get mad when you litter. pupunahin ka at mapapahiya ka. it is because they consider themselves part of the program.
dito sa quezon city, i am beginning to dislike belmonte.
panaderos, we do need strong and wise leaders. kaso iilan lang iyon? haaay. sana kasi bago magpolitiko, mag-aral muna ng management.