Your Say: Olongapo Subic's Biggest Conversation

Tuesday, October 30, 2007

Kano: bakit ka naman mangangawil.. lilinisin lang parang maging maganda sa mata, siguro naman kung tubig lang yan di mo naman iinumin so ano ang problema? basta wala lang basura na itatapon sa ilog..
Kano: badong, ayaw mo bang makitang luminis ang ilog at gawing tourist attraction ito? kung merong maliliit na boat diyan kapag malinis, siguro diba ang gandang tingnan?
Katutubo: Yan pa ang isang problema ng syudad ng gapo alang waste water treatment plant , at saka gawan ng ordinansa yan mga nangongolekta ng dumi sa poso negro..itinatapon nila sa tabing dagat dyan sa kale,baretto or subic,castellijos,san marcelino, dapat
Katutubo: bawalan sila at dapat meron silang waste water treatment plant. !!!
Katutubo: pero mostly yun mga residential me mga sariling poso negro sa likod bahay, mga apartment ganun din pero yun mga malapit sa ilog for sure diretso sa ilog yan ,yan dapat ang masusing tingnan ng city health at saka DENR

Katutubo: open naman dito jane mag shout ... ito eh bukas sa lahat ng publiko para sa mga opinion,sumbong ,atbpa. maraming salamat po sa admin at nilakihan itong shout corner natin.. mabuhay po kayo !!
anasantos: botolan dumi ng pulitika nakakahiya!!!
angela: sa botolan kunin nyo pera sa ekeksyon pero isulat nyo sa balota ang karapat dapat...di yung puro 500 na lang!!!
reynald: sino po ba ung municipal treasurer natin? just asking.... assignment po kasi sa skul
Jobhunter: paano po ba mag-apply sa mga trabaho napost dito?
lloyd: would like to ask cno po may kilala, kamag-anak or friend na gusto mag apply abroad galing sa shipbuilding you can contact me at 09175188802
lloyd: to anasantos...san banda sa botolan ang madumi ang elections? he he he
lloyd: to anasantos...san banda sa botolan ang madumi ang elections? he he he
john: katutubo
john: katutubo Thank you for your information.
Katutubo: no problem ..john..
Katutubo: para po kay kagawad ED Piano..balita ang galing ng mga Rescue and Firefighters ng SBMA at Olongapo..ito po ang katanungan " Paano po kung kasing lawak ng OLongapo ang Sunog ? " me contingency plan ba ang olongapo at sbma ? tingnan nyo
Katutubo: ang nangyari sa South California.. malawakan ang sunog.. sampung fire locations ang nangyari.. how will the govt will react on those matter ?
Katutubo: bagamat nakaranas ang olongapo at zambales ng volcano eruptions.. pero itong sunog eh kaiba po yan..
Katutubo: wala po akong alam sa SBMA na helicopter na may kakayahan pumatay ng sunog.. lalo na kung kabundukan sa SBMA .. paano po yun ?
Katutubo: dapat gastusan ng SBMA yan ,yun magkaroon sila ng helicopter na may pamatay sunog..
Katutubo: Sa Mga Kabataan ng Botolan.. wag na kayo magpadala sa mga taong nambola na sa inyo nun nakaraan eleksyon !! dapat na iboto nyo eh yun may kakayahan gumawa at umaksyon !!
KANO: Sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng bagay na mapapagkitaan mina-maximise natin, even ibenta na natin ang boto natin.. pero sana minsan isipin din natin na ang ating karapatang pumili ng taong nararapat sa trabaho.
KANO: ang pagpili ng tamang liderato nakakasalalay ang magandang kinabukasan ng ating lipunan.. kung ang mismong tao sa barangay natin ay hindi natin mapapagkatiwalaan ano nalang ang magiging estado ng ating pamumuhay..
KANO: gamitin natin ang ating karapatan sa pagpili ng ating lider!
590303: Oct 26
Katutubo: Tama po yan... Isang BOTO lang ..!! maaring mabago ang kinabukasan ng lahat ng publiko... kaya wag maliitin ang Isang BOTO !! malaki ang magagawa nyan.. yan na lang ang natitirang nyong baraha panglaban sa kung sino man ang nais tumakbo
Katutubo: sa pampublikong posisyon.. Kaya nga po sa susunod na eleksyon eh gamitin natin ang ating lakas... " Ang LAKAS NG ISANG BOTO "
Katutubo: wag magpabola at magpadala sa tamis ng salita at mga ipinapangako nila na di naman nagawa
Katutubo: ok po ba ...
Katutubo: Balik po tayo sa nirelocate na taga subic about hanjin
Katutubo: nagmamalinis na si vic magsaysay at khonghun ..aba eh kawawa naman yun mga napunta sa brgy agusuhin.. parusa ang ginawa nila.. substandards pa mga materials.. aba eh saan napunta yun mga milyon -milyon na pera ng para sa mga nirelocate !!!
Katutubo: UUdin din ang mga bangkay nyo pag namatay kayo sa pangungurakot ng pera... na dapat eh ilagay sa ayus ang mga yan.. kung para sa publiko .. nararapat lang na ibigay yan ..pera !! Dapat transparent lahat yan mga proyekto at makita ang tunay na
Katutubo: ginastos... maawa na kayo sa mga nirelocate na mamayan na pinaalis dahil sa bigtime shipping business.. hanjin
Katutubo: yan si khonghun na bayani ng subic... magaling mangako yan ... hehehehe kaya mga kabayan ..sa susunod na halalan... alam na nyo kung sino ang pupulutin sa kangkungan.. aba eh di Gunggung este KHONGHUN ( Subic Mayor)
KANO: Hindi ako politikong tao, subalit, bilang isang indibidwal na nagpapahalaga sa hinaharap ng aking mga anak, pamilya at mga kaibigan, ginagamit ko ang bawat kapangyarihan na pinakakaloob sa akin
KANO: pinahahalagahan ko ang aking boto tulad ng pagpapahalaga ko sa kinabukasan ng aking mga anak dahil kung sino man ang mauupong lider sa kanyang nakasalalay ang pagunlad ng aming lugar.. pagsupil sa bisyo.. pag papanatili ng katahimikan..
KANO: BE a WISE voter.. VOTE for the right person..
KANO: Speaking of Disaster Recovery Plan, do we also have DRP in case of Avian FLU? Are people aware what to do just in case there is a human to bird epidemic? Which site we can check? Do we have manuals or brochures that we can check and follow?
KANO: Pwede po bang maglagay dito sa space na ito ng Olongapo City Calendar of Events tapos i-categorise like family events, educations, sports..etc.. for me gusto ko pong makita kung ano ang training available na provided ng local government, gusto ko
KANO: rin makita kung merong family events or activities na pwede naming i-attend, or sports events na pwede naming panuorin.. dito lang sa mismong blogspot space na ito..pwede na.. at least people will have an idea kung ano ang pwedeng pagka-abalahan..
KANO: suggestion lang po..

Monday, October 22, 2007

Kano: bakit ka naman mangangawil.. lilinisin lang parang maging maganda sa mata, siguro naman kung tubig lang yan di mo naman iinumin so ano ang problema? basta wala lang basura na itatapon sa ilog..

Kano: badong, ayaw mo bang makitang luminis ang ilog at gawing tourist attraction ito? kung merong maliliit na boat diyan kapag malinis, siguro diba ang gandang tingnan?

Katutubo: Yan pa ang isang problema ng syudad ng gapo alang waste water treatment plant , at saka gawan ng ordinansa yan mga nangongolekta ng dumi sa poso negro..itinatapon nila sa tabing dagat dyan sa kale,baretto or subic,castellijos,san marcelino, dapat

Katutubo: bawalan sila at dapat meron silang waste water treatment plant. !!!
Katutubo: pero mostly yun mga residential me mga sariling poso negro sa likod bahay, mga apartment ganun din pero yun mga malapit sa ilog for sure diretso sa ilog yan ,yan dapat ang masusing tingnan ng city health at saka DENR

Katutubo: kaya po kagawad ED pakibusisi po yan mga ganyan na may pasilidad.
Kano: Tama ka katotong Katutubo. Sana lang magtabi ng budget ang local government natin para sa proyektong ito at the same time mag karoon ng strict implementation para sa waste control ito na naman po ako ,, isang magandang araw po sa mga taga gapo !!

Katutubo: More tree planting activities para sa ikakalamig ng buong olongapo,bataan,zambales.. at para maiwasan ang mga landslides at soil Erosion !! yan ang unang dahilan..kaya bumababaw ang mga ilog gawa ng erosion..

Katutubo: More coconut trees sa tabing dagat para sa mas magandang tanawin.. at di lang pangpaganda ,tulong na rin sa kalikasan na pinahihina ng polusyong gawa ng tao..

Katutubo: magtanim sa likod bahay kahit semento ang paligid,itanim sa mga paso or malalaking lata.. kamote, kamatis atbpa. at least personal mo makikita ang pag aalaga di ba ?
Katutubo: bawas sa gastusin..

ABNORMAN: PSSTT NABASA MO NA BA TO?? CLICK SITE http://www.papt.org.ph/news.aspx?id=2

Badong: Sana isabay na rin ang paglilinis ng mga addict at pusher ng shabu sa Gapo. Dami ng addict sa mga kapitbahay natin. Bulag ba pulis at barangay officials? Tagal ng sakit ng gapo ito ah. Hmmm baka naman dapat na makialam ng personal si Mayor dito.
Badong: Hirap sa mga pulis eh, huhulihin nila mga tulak pag alam nila marami ng ipon tapos pakakawalan uli. Tapos huhulihin uli at gagatasan na naman. Hay uhay, maawa naman kayo sa mga kabataan.
Badong: Madaling linisin at pagandahin ang kapaligiran pero mas prayoridad dapat na linisin ang lipunan, mas magandang ipakita sa mga turista na malusog at masigla ang mga mamayan. Kasunod nito ang pagiging prudoktibi ng isang indibiduwal pag hindi lulong
Badong: sa droga. Kaya sana gumising na tayo. Hindi sagot sa problema ang droga.
Badong: Wag na tayong magbulagbulagan. Dalawa sa sampung kaibigan niyo ay gumagamit ng droga. Lalo na sa kapulisan, ilan sa mga yan ang huliadp at ginagamit ang mga shabung nahuhuli kung hindi naman ay ibibbenta uli.

Kano: Pabor ako badong! Alam mo dapat magpa-drug test lahat ng officials ng government, barangay, citi hall, at lalo na ang police..gawing every 3 months tapos laging merong report, tapos yung mga pulis or officials na found positive, parusahan
Kano: at kapag merong nahuhuli, ikulung tapos yung epektos na nahuli kuhanan ng litrato, i-pamedia agad tapos sunugin at ipakita ulit sa mga tao.. hindi kapag merong nahuli...pix ng tao, yung epektos tapos wala na..nasaan na ang mga items??

Kano: my comment is not for gapo only, kasi this kung malinis ang gobyerno natin, ibig sabihin nito kaya nating sugpuin ang laban na ito.. we have to show to them that we are clean first..
Kano: kung ang pulis natin ay nakikitaan ng hindi maganda, kahit anong pagbibilad natin sa araw, kahit marami tayong placard na bawal ang droga, wala rin itong saysay, so, to ensure and show to them that all of our government officials are clean then let us do it and show them na mali ang hinala nila na ang pulis natin ay gumagamit ng droga, masakit para sa akin na marinig na ang taong aking inaakala na magtatangol sa akin ay isang user? Scary isn't it? Prove them wrong! Pangit pakinggan.. Alam ko

kano: CONGRATULATIONS NGA PALA SA PULIS na hindi tumanggap ng suhol na 80K! Isa kang tunay na Olongapeno! Ako at buong pamilya ko ay humahanga sa iyo!Pagpalain ka nawa at we are proud of you! MABUHAY KAYO! Tunay kayong mapagkakatiwalaan!

Badong: Suggestion lang sa Police Dept, sana eh maglagay kayo ng isang gym sa munisipyo o presinto at kumpleto sa gamit, treadmills, weights atbpa at ng sariling trainer,at gawing mandatory ang training maski na twice a month para maibaling sa physical fitness ang after duty activities nila para maging good example sa kabataan at maiwasan din ang pag gamit ng bisyo. Dito sa US eh di uubra sa takbuhan ang mga goons laban sa pulis. Di tulad diyan eh di lang malalaki ang tiyan ang lalakas pa tumoma.

Badong: Kaya pag naubos ang sweldo sa gudtaym eh dumudiskarte ng hulidap o kaya tulak na rin. Obserbasyon ko lang ha!

Katutubo: morning to all !! .. korek ka dyan badong at kano.. gawin regular ang drug test ng kapulisan ng gapo at saka magkaroon sila dapat ng sariling gym para nga naman di nagtatabaan at naglalakihan ang tyan ng mga pulis !! Sa pinas lang po kayo makakita ng very very healthy na pulis !!

Katutubo: about hulidap . .totoo po yan isang lumang istilo na ng mga pulis yan at saka bakit laganap ang video karera sa gapo at subic ?? pakisagot nga po mayor ng gapo at subic !!! at saka chief of police ng gapo at subic !!!

Katutubo: Tiangge sa SBMA dapat alisin !! unang una ang pangit tingnan ..ganun lang ..basta di siya ok .. mas ok pa siguro yan eh ...ayusin at gawin Garden.. ayusing ang landscape para naman unang bungad sa gate eh green environment agad at siempre unang maiisip ng taong papasok sa SBMA eh clean air, greenery... mas ok pa yan kesa yan tiangge ni CALIMLIM !! magkano ba lagay ng tiangge ..dyan ? at syanga pala yan si Calimlim eh bakit nagbubulag-bulagan daw about sa tiangge , magkano ba monthly mo dyan Calimlim !!

Katutubo: o siya tama na ang tiangge dyan mahiya naman kayo sa mga maliliit na namumuhunan sa labas ng Gapo,Subic , at Bataan .. humihina ang negosyo nila gawa nun tiangge mo calimlim..!!

Kano: Ako pabor naman ako kahit anong negosyo ang ilagay whether tiangge man siya or not, ang importante ang bigyan ng priority ay yung maliit na negosyante ng olongapo at bataan kaysa mga taga manila or saang mang lupalop ng pilipinas galing sila.. invite nila at i-encourage ang mga tao and educate them on how to join in, kasi most of them they dont know and they have a wrong notion about it (kesyo mahal, walang lugar) which is totally untrue based on my experience.. what am saying is this kapag open sa taga olongapo at bataan yan, it will not create any problem with the businessmen outside the olongapo-bataan area kasi they were invited.. so in a way merong fair deal.. so in return, win-win siya diba may kita na sila, napasaya pa nila ang mga local businessmen..

John: How is the job market for in the former Naval Base for American retires from the Navy? Asawa is wondering if we move to the area if jobs would be available for the both of us.
584352: 18 Oct
katutubo: For John ..you may go directly to the Human resources of SBMA , former US naval base worker is very demanding , your expertise and knowledge is big plus.. you could be a trainer.. but the salary and the benefits are different..

Kano: Wow ang galing naman ng Subik.. Subik.. na yan, maganda ang concept nakakatuwa..sana let us invite all our friends and relatives all the philippines and world to attend this festival..sana gawing yearly even ito..

Kano: I will surely invite all my friends sa Manila at Cavite na bumaba ng Olongapo to see this.. this is MUST SEE event.. excited na ako..

Jean: Kamusta na po ang lagay ng kampanyahan ng mga brgy officials dyan sa Gapo? Nakapili na po ba ang INC ng susuportahan?
Jean: Dami daw naglalaban sa pagka kapitan ng mga barangay dyan? Pwede ba post mga pangalan, para makapag-advise kami sa mga relatives dyan

586554: Oct 22

Labels: , , , , ,

Thursday, October 11, 2007

Drug bust

From: "dantesan64" <dantesan64@sbcglobal.net>

Subject: Re: Drug Runner, Nasakote ng OCPO

Wow ang galing! Nice try but I think Olongapo is in its terminal case in regards to drug addiction and drug pushing. I've seen a lot of family friends and youths that are wasted because of rampant drug pushing and abuse. When will you guys clean up your act? WBB youths are already up to their neck and the local goverment or barangay officials dont seem to mind specially near the vicinity of their barangay hall.

Streets like 20th place, 20th st, 19th st and near Victory liner station, drug runners here are dime-a-dozen. Police will raid a suspected drug pushers den when they think the pushers have save enough money from their "sales" to make sure they can pay- off their case, then release them and the cycle goes on and on. Come on, Mayor Bong I think you know better than your police chief so why dont you personally look into this mess. I lived all my life here in WBB since I moved to San Francisco Ca and Im really bothered when I still got words from kababayans out there that say drugs is still the best seller.---

Labels:

Katutubo: Sa google satellite mapping makikita po sa bandang bunganga ng ng parola makikita yun puting buhangin na naka korteng crescent , meaning bale nahaharangan nun ang waterflow ng kalaklan river kaya binabaha pa rin ang ibang bahagi ng gapo ,dapat maalis yan kagawad Ed.. salamat po

Katutubo: syanga nga po pala ,sa nakitang kung mga landfill dumpsite dito sa US, pagbagsak pa lang ng basura eh dinadaanan na agad ng landfill compactor , take note alang mga basurero! then sprayan ng chemical solution at sa ilalim nun eh me may malawak na trapal (plastic na makapal) then tatambakan ng lupa ,then papatagin ,tapos itatambak mga basura , then daanan ng landfill compactor, tapos sprayan ng chemical ,tapos tatambakan na naman ng lupa..maayos at di mabaho yun landfill nila .

Badong: Paano lilinis ang ilog sa atin eh lahat ng dumi sa kanal eh papunta sa ilog. Pati katas ng mga septic tank at dumi sa palengke. Susmaryosep kahit dumami nga ang isda sa ilog di ako mangagawil

Labels: ,

Drugs

new comment on post "Drug Runner, Nasakote ng OCPO":

Come on guys, Ilang runners at pusher na ba ang nahuli niyo at pinakawalan? Parang naglalaro na lang kayo ng habulan na may bayad. Pag alam na ng mga pulis na marami ng ipon ang pusher saka huhulihin. Tapos Pakakawalan uli at huhulihin uli pag "mataba" na naman. Hay naku, dami na niyo nilloloko. Wag na lang kayo magbalita ng ganito. Pati si Meyor eh nauuto niyo.
Mayor, pakialamanan naman niyo ang trabaho ng Chief of Police niyo at ang dami ng kabataan ang lulong sa shabu diyan sa atin lalo na sa WBB. Walang pakiramdam yata ang barangay captain diyan eh. O di kaya naman eh kumikita din sila sa "sales tax" ng mga pusher? hmmm!

Labels: ,

Wednesday, October 10, 2007


edpiano: Hi to katutubo, bilib na ako sa participation nyo sa discussion, salamat at may adviser ako na masisipag at good observer, salamat din sa comments ni Mang Kano . . . he he

edpiano: I have a hearing to attent to this morning, please give me time to reply to your suggestions about Kalaklan Ridge, Good day to you gentlemen. I might post my reply in subic.com/olongapo_subic_sounding_board.htm or in the Forum with the link below this box - teka d pala pwede URL dito . . . anyway the link of Your Say in Olongapo Subic can be found above

Kano: You know what sir, if there is/are anything that we can do or advise, let us know and we will support you all the way.. anything for gapo.. i am here to support all your project..

zenyorita: ask ko lng po if may job fair po ba for abroad ngayon.

noli: tanong ko naman po kung kailan ulit mobile passporting project ni mayor?

AMO: pano ba yang mobile pasporting? ano kailangan? sabi ni inday pagkahaba haba daw ng pila ng bayaran dyan sa city hall, wala na bang pagasa yan? sana ayosin ni mayor para di sayang oras ng mga tao na nagbabayad

Katutubo: sa akin observation maituturing na malinis pa rin ang mga ilog sa olongapo ..why ? aba eh masisipag at nadisiplina at nakasanayan na ng maglagay sa plastic bag ng basura pero mas lalong mainam kung mapaghiwalay ang basura at mga recycle na basura.. kikita pa ang waste management or recycling company kaya po dapat kagawad Ed ipanukala nyo yun waste container sa bawat residente na may kabahayan , isang blue container para sa lahat ng recycle at sa talagang basura naman eh kulay itim na container ,dapat makapal yun pagkakagawa sa container. at saka dapat bumili ang city govt ng dumpster truck isa para sa paghahakot ng recycle at ang isa naman eh para sa basura

Katutubo: syanga pala katotong KANO yun sinasabi ko na lupain sa ibabaw ng kabundukan ang daanan nun eh sa Nagbakulaw road sa may kalaklan kung may 4 wheeler ka pero maari din naman lakarin para ka na rin namamasyal nun mas ok kung magsama ka at magdala ng video cam or digital cam mas ok para di masayang ang pag akyat mo ng bundok.

KANO: Katotong Katutubo, okay yan sige nga daw pag uwi ko puntahan ko yan.. matagal tagal narin di ako nakakapaglakad ng bundok gawin ko itong isa sa aking "must do" list

KANO: Mang ED yung ilog po na sinasabi ko eh mag start duon sa gate ng Pag-Asa, tapos Main Gate ng Magsasay, Then Gate sa Kalaklan.. bale yang ilog nayan.. kasi maganda naman talaga eh.. pwede ngang lagyan yan ng mga small boats tapos pa-rent basta malinis at hindi stinky.. para people will patronize, parang venice style ba, since malinis lagyan ng maraming fish siguro ang ganda ganda niyan, kahit siguro telapia o bangus ang ilagay dadami din yan..tapos bawal ang fishing tapos ang i-fully develop na area mang ed ay yung mismong parola, ayusin maige..siguro kung lalagyan yan ng hagdan na maganda tapos ayusin ang daan. parng gawing park ala board walk.. kung gusto namang gawing high tech eh kuya ng mga engineers na mag i mean kumuha ng engineers to design an appealing building that will showcase the beauty of parola.. sayang yang area ang ganda pa naman..

volunteer: mabuhay kayong lahat

Labels: , ,

Tuesday, October 09, 2007

Kalaklan Ridge

katutubo: good day sa mga Gaponians
katutubo: isang malaking karangalan ang makita ang isang mahusay na kagawad ng Olongapo.. Ginoong Ed Piano
katutubo: Mabuhay po kayo..!!
katutubo: Pasasalamat na rin po sa admin nitong sites at nilakihan ang message box para mas lalong maging maayos ..salamat po

katutubo: katanungan po kay kagawad ed Piano.. may bala po ba ang city govt na mag expand ng mga lupain sa ibabaw ng kabundukan from kalaklan all the way to gordon heights ? nakita ko ang lawak ng ibabaw nun bundok.. at napakalawak na lupain!!!

katutubo: Ano ang plano ng ating city govt para dun sa malawak na lupain na yun ? sa akin nakita dun kahit ilang Mall OF Asia ang itayo dun kayang kaya .. dapat magkaroon na ng Zoning yan ? kung nakaakyat na po kayo dun kagawad for sure kayo po ay nagulat sa lawak nun lupain ..im hoping na ang unang gawin dyan eh high tech planning
katutubo: i have experienced kung kailangan nyo sa ganyan dito sa US

katutubo: dito .. inuuna ang undergound construction para sa isang malawak na lugar na idedevelop
katutubo: like sewage,underground electrical power,cable, telephone ,gas and water supplies...
katutubo: kaya dito ala ka makikitang nakalawit na mga linya ng mga poste.. kundi ang makikita mo na lang eh poste na may ilaw mas safe ang underground lahat ang mga cables then pag nasettle na yan ..at okay na ang mga malalaking canal at sewage system.. yun road naman ang isusunod at dapat malalapad na road dapat

katutubo: mas ok kung residential yan kagawad Ed.. nun nasa ibabaw kami nun kabundukan na yan ang ganda ng view !! kita ang subic bay sa gawin kanan ang mga bundok at tanaw na tanaw ang buong sbma at gapo

katutubo: magandang idea na itayo dyan farm residential style ng sa ganun mataniman at maging malamig ang lugar gawa ng mga pananim at mga puno at gawin gated community para mas safe tirhan at saka kung gagawin wag liitan ang sukat ng lupa like minimum eh 3 hectares to 5 hectare maximum.

katutubo: 100% magklik po yan at siempre po dapat tayuan ng elementary school , high school, at parks, pag nagawa po yan unang una po akong bibili dyan at siempre lagyan ng isang napakalaking tangke ng tubig or gawan ng water reservoir lake.. man made lake then gawin Park .. kaya kahit summer me tubig ! para malaman nyo ito tingnan sa google map ang olongapo city,philippines tapos klik satellite at dun pede nyo mai zoom ang satellite map ng olongapo city

KANO: Katutubo dko pa nakikita ang sinasabi mo.. so before ako magcomment pag uwi ko puntahan ko ngayan..
KANO: Basta ako Olongapo River parin ako.. sana merong makapansin ng potential nito..Sana idevelop ito..

Labels: , ,

Sunday, October 07, 2007

574998

574998: Y163 N125 P132 T420

purple: bago lang po ako dito kaya hindi ko po alam kung kanino dapat magtanong. may itatanong lang po sana ako tungkol sa pag iinspect ng mga pulis ng olongapo sa mga internet shops.

kano: okay ito, salamat naman at pinahaba ng konti..kasi ang hirap magtype tapos nabibitin ang sinasabi mo then nawawala ka tuloy.. maganda ito .. so ano ang issue ngayon? yun bang sa internet? maganda yan gusto ko yan, ang da best, all internet cafe, ipatawag, tapos magkasundo na lagyan ng level of security ang surfing.. ibig sabihin kapag nagsurf ka automatic made-decline ka kasing either porn site ang pinupuntahan mo or site against the law.. so in away pre-emptive measure siya.. tpos ang gagawing checking ng mga i.t. represenative or pulis, ay umupo bawat pc or random tapos itype lang sa ang mga porn site pag lumabas ibig sabihin unprotected, ipasara kaagad..kasi if you dont do that, wala rin.. dapat medyo strict ang implementation ng rules, walang next time ha.. walang ganun.. nagviolate.. sara.. this way, protected ang mga bata..
kano: isa pa, wag iasa sa local goverment lang ito, maglagay ng tipong 911 na number para kapag merong pc shop na ina-allow ang ganitong activity, either itawag or i-txt para close agad sila..
Kano: i am not interested to whatever the executives are discussing during their session, all am saying are their projects or plans for the people of olongapo. what are those? do we have an access to it? how much the local government is spending to those projects? just want to know their plans for us..

edpiano: We have just completed meeting owners of internet shop yesterday . . . laws, rules and ordinances were discussed. 130 of the 158 internet shops showed up. Four were given show-cause letter . . for them to explain why their permits will not be cancelled . . . considering that their violation is punishable by immediate closure.
edpiano: Purple> Inform nyo po kami agad kapag may lasing na pulis na manggugulo sa shop nyo, cp number po ni mayor 0918-916-7362, land-line 224-5643 24hours on-duty ang sasagot dyan
boying: kapit bahay po namin d2 sa prk3 santol ext, MAY JUMPER dumaan sa ilalim ng bakod den akyat sa bintana. Hulihin mandaraya!!!
boying: sana po ipatanggal ung mga nakaparadang for sale sa kanto ng caltex sta rita, sa sidewalk nakalagay ung for sale kaya wala madaanan pedestrians

Kano: who will be monitoring this activity? what about continuity? whose department or agency this belongs to? am hypo critical, however, it is good if someone takes the ownership so that we know exactly who to call and where to go. this is a pretty huge responsibility and it should not be treated as one time activity as this pose a real danger to expose
Kano: let me rephrase it, " am not hypocritical" expose our children to pornographic materials...
edpiano: Business Permit led by Neal Perez was tasked by Mayor Bong to monitor and implement ordinances regarding local businesses, including internet cafes
Kano: wow..not an agency but a single person to do this? i just hope that they have enough resources to sustain the need of this task. but anyway, i will support them and rest assured that i will do my own checking to the internet cafes and make sumbong to him..do you hava a 911 like call center we can use and txt so that can immediately visit the cafe and do the necessary action? please let us know sir.
edpiano: Neal Perez is a Department Head,
edpiano: we have a 117 w/c functions much like 911 but if you're using a celfone . . here's the number to call or text Mayor Gordon 0918-916-7362, land-line 224-5643

Kano: okay sir, just a thought that it would be perfect if someone from an organization dealing with children will own it.. opinion lang ito... basta ako support ko ito..
edpiano: thank you for your support sir, i'll request the head of Social Welfare to look into it, consider it done
Kano: suggestion lang po sir, pwede kaya nating ipost ang numbers na ito sa lahat ng internet cafe parang warning sign so they are aware.. tapos lagyan ng okay sticker ang internet cafe na me nakasulat something to this effect
Kano: this internet cafe protects our kids and therefore pornographic materials are not accessible here..
Kano: tapos use the radio and channel 6 to post all t he numbers to call if in case any internet cafe allowing pornographic materials..its a concerted effort..it cannot be done without the public support.. suggestion lang po..
klasmeyt: batch attend ka naman sa next meeting for our reunion, miss ka na namin
tin2: kta tau sa convention center, nood tau laban ni pacman libre, sagot ni mayor bong

Saturday, October 06, 2007

Kano: programa ang pwede mong ibahagi na magcre-create ng employment, promote peace and
Kano: oder
Kano: mag po promote ng highest standard sa education,
Kano: magiging business friendly and corrupt free
Kano: GO GAPO
Neg: incinerator ba ibig mo sabihin?
KANO: YUN NGA..Salamat ha..
KANO: palagay mo magkakaroon tayo niyan sa gapo?
Neg: cgurado un . . sabi ni myk . . tiyak un!
KANO: cool maganda yan..buti nman..pero sana bili din sila ng injection mould na gumagawa
KANO: ng balde, batya, tabo para mare-cylce ang mga plastic at mag
KANO: provide ng employment..buti naman kung ganun.. GO GAPO
KANO: meron kang balita kung ano pa ang changes na meron sa gapo? kasi wala akong visibilit
KANO: visibility sa local governmnt project ng lagi nating mamonitor at makapagsuggest nrin
KANO: wala namang mawawala kung ipapamahagi nila yun diba???

Friday, October 05, 2007

Kano: tunawin at gawing resin ulit yun eh.. medyo malking investment kasi incarcinator, injection machines ang kelangan mo, however if this is a government funded project

Kano: okay lang kasi it will provide employment, it will help a lot of people, it will help the environment kasi wla ng mabahong amoy tuwing umuulan sa landfill, alam mo katutubo bakit di kanalang mag invest sa GAPO, check mo incarcinators at injection pump..suggestion lang po ito..

Kano: CALCINATOR PALA YUN.. MALI ako.. basta pansunog yun na yun.. Anyway, sana merong mag invest dito..malaking business ito no.. at malaking pera dito. Meron pa bang ibang suggestion to make GAPO the best place to live with??

Kano: Kung ikaw ay isang lider ng olongapo ano ang gusto mong baguhin at bakit? Anong programa ang pwede mong ibahagi na magcre-create ng employment, promote peace and oder
Kano: mag po promote ng highest standard sa education, magiging business friendly and corrupt free
Kano: GO GAPO

Thursday, October 04, 2007

KANO: ganda kung merong cable car between snake island, grande island and SBMA
KANO: or train within sbma that go around like sentosa...
KANO: kasi beaches sa thailand and malaysia, mas maganda pa ang sa atin kaya okay nayan,
KANO: i develop nalang ang building at gawing world class..
KANO: SANA merong mga investors na gawin ito..

KANO: oo nga pala, suggestion narin para maging maganda ang itsura ng olongapo sana ang mga tindero sa palengke or triangle bigyan ng uniform tent or i-house sila ng maayos.

by providing them proper shelter to sell their goods, magiging maganda ang itsura ng paligid natin hindi pa masakit sa mata.. tapos bakit ang ambulant vendors wala ng uniforms?
KANO: by providing moveable cart or tent or fixed tent sa gilid ng triangle
KANO: magiging magandang tingnan ito at hindi sa shig sila nag benta, sana tingnan ito ng
KANO: local government, ganun din sa palengke mag provide din ng uniform moveable if not
KANO: fixed tent para magandang tingnan..
KANO: am proud sa palengke natin dahil isa ito sa pinakamalinis, but we can improve more...
KANO: GO GAPO...

KANO: sana bilang isang lider wag mo ng isipin kung ano ang sasabihin ng taong bayan sayo,
KANO: ang isipin mo kung ano ang magagawa mo para sa kabutihan ng bayan na iyong nasskupan.
KANO: GO GAPO!

Ka_tutubo: korek..
Ka_tutubo: ang nangyayari kasi sa US kahit sandamakmak ang mga playground,basketball court etc. . . ang problema ala minsan matibay na programa yun ibang lugar, so dapat meron dapat na matibay na pundasyon na programa .. di yun ningas lang wag nag magdagdag ng jeepney sa gapo ,isa din yan sa isagawa ng gapo , nun umuwi me ng gapo rabe ang trapik sa bajac bajac....why ganun na kadami ? ang tao or sasakyan sa gapo

Ka_tutubo: maglagay na rin ng ice skating sa gapo , maganda din yan attraction
Ka_tutubo: mas ok kung sa sbma ilagay..
Ka_tutubo: gawin olympic size... yun ice skating
Ka_tutubo: why ? pero di na dadayo ng mall of asia aba eh pag pumasyal ang mga dating graduate ng george dewey high school alumni eh di mas enjoy sila

Wednesday, October 03, 2007

Kano: Since wala naman kasi tayong mai-ooffer na place dahil sa napakaliit ng olongapo, we can instead capitalize by concentrating and providing quality and hightech equipment

Kano: like, buong olongapo gawing internet connected wirelessly supported by local govt.. by doing this, we can transact govt related service online without hassle and corrupt free diba?? or mag provide ang local govt ng full support sa mga dialysis patient or diabetic a subsidized treatment by buying equipment (for dialysis) and let the patien visit and pay less..same as with diabetics.. remember pope john nuon sa merong TB?? LIBRE yun.. mag tayo ng maraming SPA sa mga lugar na magagandang spa center or health centers..

Kano: by the way pwede rin magtayo ang local governemtn ng isang stadium na malaki tapos lagyan ng mga equipment like thread mills, weightlifting machines para sa mga youth tapos lagyan ng program para sa mga senior citizen...para madivert ang attention ng mga retirees.. a lot of things that we can do to make GAPO.. the best city to live in sana bilang isang lider wag mo ng isipin kung ano ang sasabihin ng taong bayan sayo, ang isipin mo kung ano ang magagawa mo para sa kabutihan ng bayan na iyong nasskupan.
KANO: GO GAPO!

Tuesday, October 02, 2007

Ka_tutubo: kagubatan !! it protects them ..now kahit NPA di pumipirmi sa mga ilang lugar sa quezon at zambales dahilan sa mga kalbong bundok ... anyway ang punto dito tayo mismo ang magprotekta ng ating sariling likas yaman ng ating bawat lugar !! wag itayo umasa sa mga lider ng bayan..isang tao lang yan... mas higit tayong nakakarami ... mga taong-bayan !!

Kano: Am with you..
Kano: Now let us talk about OLONGAPO.. what can you suggest to make this a very conducive,
Kano: business friendly, must see tourist destination in Philippines?
Kano: technically, we dont have anything in Olongapo because the beaches are part part of
Kano: Zambales or Subic Bay, so what can we offer to the people?
Kano: Let us look long term, what do we want to achieve as a city? how do get there? what
Kano: shall we do? as an ordinary citizen, how can i help? what activities/programs do i
Kano: need to be involved?
Kano: ANY COMMENTS?


 
This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay. The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications. http://subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://oictv.com, http://sangunian.com Hit Counter
Hit Counter